Mga ospiyal at tauhan ng Manila City hall, isinailalim sa mandatory drug test

Manila City Hall
Manila City Hall

Nagpatupad ng mandatory ng drug test ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga opisyal at tauhan ng City hall.

Naunang sumalang sa drug testi si Manila mayor Joseph Estrada at vice mayor Honey Lacuna.

Kabilang din sa sumailalim sa drug test ang 36 na konsehal ng lungsod.

Mula ngayong araw hanggang sa susunod na linggo target na maisailalim sa drug test ang nasa 9,000 rank-and-file employees ng Manila City hall.

Ang mandatory drug test ay base sa utos ni Estrada bilang suporta sa mas pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Lahat ng magpopositibo sa drug test ay isasailalim sa confirmatory test, at kung muling magpositibo ay agad silang sisibakin sa serbisyo at sasampahan ng kaso.

 

Read more...