Panibagong petisyon kontra sa hero’s burial kay Marcos, inihain sa SC

Marcos BurialIsa pang panibagong petisyon laban sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani ang inihain sa Supreme Court.

Inihain ang petisyon ng grupo ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales at ilan pang mga Martial law victims laban sa planong paglilibing sa dating president sa Libingan ng mga Bayani.

Si Rosales ay dating guro sa Jose Rizal College noong panahon ng rehimeng Marcos nang dalhin sa isang safehouse sa Pasig at saka tinorture.

Ayon sa mga petitioner, nais nilang makasama sa preliminary conference na gagawin sa Lunes at sa nakatakdang oral argument sa Korte Suprema sa Miyerkules.

Nauna nang naghain ng petisyon sa SC ang grupo nina dating Bayanmuna Reps. Satur Ocampo at Neri Colmenares habang ang ikalawang petisyon ay isinumite naman ng mga kaanak ng biktima ng deseparacidos.

 

 

 

Read more...