Pitong linggong buntis si Davao City Mayor at presidential daughter Inday Sara Duterte at triplets and ipinagbubuntis nito.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Mayor Duterte na ito ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa mga aktibidad sa Kadayawan 2016 festival.
Maayos naman aniya ang lagay ng triplets sa kaniyang sinapupunan.
Ayon kay Mayor Sara, bagaman mahirap ang kaniyang pagbubuntis, patuloy niyang gagampanan ang mga tungkulin niya sa lungsod.
Pinayuhan lamang umano siya ng kaniyang duktor na iwasan muna ang mamalagi sa matataong lugar.
Ang kaniyang maselang pagbubuntis din ang dahilan kung bakit hindi nakadalo si Mayor Sara sa unang State of the Nation Address ng ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, last July 25.
MOST READ
LATEST STORIES