Mag-asawang Tiamzon, nakalaya na sa custodial center ng Camp Crame

Photo from BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes
Photo from BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes

Nakalaya na mula sa kanilang pagkakapiit ang mag asawang Benito at Wilma Tiamzon sa custodial center sa Camp Crame.

Eksakto alas 11:30 ng umaga ng makalabas ang mag-asawa mula sa custodial center matapos paburan ng korte ang kanilang mosyon na pansamantalang makalaya sa pagkakapiit para makadalo sa resumption ng peace talks sa Oslo, Norway.

March 2014 pa ng makulong sa custodial center ang mag-asawa dahil sa kasong rebelyon.

Sinalubong ng grupong BAYAN sa gate 3 ng Camp Crame ang mag-asawa sakay ng kulay pulang Toyota Innova.

Sumailalim muna sa medical check-up ang dalawa bago ang paglaya.

Paglabas sa gate 3, inalayan ng bulaklak ni Benito ang asawang Wilma at nagbigay ng maiksing pahayag.

Nagpapasalamat ang mag-asawa kay Pangulong Duterte sa kanilang paglaya at natutuwa sila na nabigyan sila ng pagkakataon na makasama sa peace talks.


 

Read more...