Ito ay matapos na magpositibo sa pagsusuri ng US Food and Drug Administration (FDA) sa Hepatitis A ang mga scallops na inangkat mula sa Pilipinas.
Inilabas ng Hawaii Department of Health ang resulta ng FDA laboratory test sa mga frozen Sea Port Bay Scallops na mula sa De Oro Resources Inc. at inangkat ng Sea port Products Corp. sa Washington.
Dahil sa outbreak ng sakit na Hepatitis A na umabot na sa 206 cases, ipinagbawal muna ang pagbebenta ng produkto lalo na sa mga kainan.
Pinayuhan din ang mga consumers na huwag munang bumili at kumain nito.
Ipinasara na din ng health authorities sa Hawaii ang pagpapasara sa labing isang branch ng “Genki Sushi” restaurant sa Oahu at Kauai.
Ang nasabing popular na kainan dahil sa kanilang sushi ay inatasan din na magsagawa muna ng disinfection bagyo sila muling magbukas.
Ayon kay state epidemiologist Dr. Sarah Park, patuloy ang kanilang monitoring para matiyak na wala nang magbebenta ng nasabing produkto.