9 na flights na-divert sa Clark Airport dahil sa masamang panahon

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

(UPDATE) Dahil sa pag-ulan na nararanasan sa Metro Manila, siyam na flights na lalapag sana sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-divert sa Clark, Pampanga.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), diverted sa Clark ang mga sumusunod na flights sa dapat ay lalapag sa terminal 3 Biyernes ng umaga:

Cebu Pacific flight 5J962 Davao to Manila;
Philippine Airlines (PAL) flight PR2022 Caticlan to Manila
PAL flight PR2994 Zamboanga to Manila
PAL flight PR2520 Cagayan to Manila
PAL flight PR2080 Catarman to Manila
PAL flight PR2072 Calbayog to Manila

Sa NAIA Terminal 2 naman, na-divert ang PAL flight PR1810 Davao to Manila;

Habang sa NAIA Terminal 4, na-divert din sa Clark ang flight ng Cebgo na DG6042 Busuanga to Manila.

Kanselado naman dahil pa rin sa sama ng pamanahon ang mga sumusunod na flights ng PAL express:

2P2043 Caticlan to Manila
2P2044 Manila to Caticlan
2P 2077 Manila to Tablas
2P 2078 Tablas to Manila
2P 2049 Manila to Caticlan
2P 2050 Caticlan to Manila

Payo ng MIAA, sa mga kaanak ng mga pasaherong apektado ng flight diversion, direktang makipag-ugnayan sa airline company kung mayroong mga katanungan.

 

Read more...