Riding-in-tandem, patay sa mga otoridad sa Caloocan

dead qc1Patay ang riding-in-tandem matapos na manlaban sa mga sumitang miyembro ng Special Reaction Unit ng Caloocan Police sa C-3 Road, Caloocan City.

Nag-ugat ang encounter matapos na makatanggap ng sumbong ang SRU na may dalawang naka-bonnet na sakay ng motor sa bahagi ng C-3 Road sa tapat ng Tower 16 sa Caloocan na pawang mga mga armado ng baril.

Nang magresponde ang SRU para iberipika ang sumbong nakita nila ang dalawang suspek na parehong nakasuot ng ‘bonnet’ at nakasay sa motosiklo.

Nang sisitahin, agad umanong nagpaputok ng baril ang mga suspek na armado ng .45 caliber kaya’t gumanti naman ng putok ang mga pulis  na armado naman ng mga matatas ng kalibre ng baril gaya ng M16.

Kaagad namatay ang mga suspek at nakuha nga ang dalawang .45 caliber, dalawang sachet ng marijuna at larawan ng babae at lalake na nakaprint sa  isang bondpaper na may kasamang sketch ng lugar.

Samantala, patay din ang  isang lalaki matapos naman habulin at pagbabarilin ng apat na armadong lalaki na pawang mga nakasuot ng ‘bonnet’  sa Brgy. 18, Caloocan City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Gilbert Manansala, 40 yrs. old at nakatira sa Malabon City.

Ayon sa nakakatandang kapatid ng biktima na si Ronaldo,  dumaan pa ang kanyang kapatid  at binigyan pa niya ito ng P300.

Pag-alis nito sa kanilang bahay sa Caloocan para umuwi, nagulat na lamang sila ng mabalitaan na napatay na ito ng ‘bonnet’ gang.

Hinabol pa raw ang biktima mula Brgy. 20 hanggang makarating sa Brgy. 18 sa bahagi ng Libis Naduarsta kung saan ito pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Mariin naman itinanggi ng kuya ng biktima na pusher ang kanyang kapatid, dahil bago pa man umano maupo si pangulong Duterte matagal ng nagbagong buhay ang kanilang kapatid mula sa paggamit ng bawal na gamot.

May apila naman ang kaanak ng biktima sa pangulo na pagtuunan din ng pansin ang “bonnet gang” na pumatay ng mga sibilyan.

Read more...