Sa post ni Arroyo sa kaniyang Facebook account, binanatan niya ang sinabi ni De Lima na “very foul” ang ginawa ni Duterte na pagsisiwalat ng detalye ng personal niyang buhay.
Bwelta ni Arroyo, mistulang bumabalik kay De Lima ang ginawa nito sa kaniya at sa kaniyang asawang si dating Pangulo at ngayo’y Cong. Gloria Macapagal-Arroyo noon na panghu-husga.
Inalala ng ginoo ang aniya’y paglabag ni De Lima sa karapatang pantao noon ni CGMA nang hindi niya ito payagang makaalis, pati na ang tahasang paglabag ni De Lima sa temporary restraining order ng Korte Suprema.
“Sen De Lima complained that what Pres. Duterte did to her was “very foul.” How about when you violated (CGMA’s) human rights by not allowing her to leave? You willfully disobeyed the SC TRO. Wasn’t that “very foul” also?” ani Arroyo sa kaniyang post.
Isa pang tinukoy ni Arroyo ay ang pagiging “very foul” rin ng pagsabi noon ni De Lima na tumakas siya nang magpunta siya ng Hong Kong, at nang bumalik siya ay hindi man lamang humingi ng dispensa ang dating Justice secretary.
Sa huli, tinanong ni Arroyo kung ano ang pakiramdam ng naka-karma.
“Now that the shoe is on the other foot, how does karma feel?” tanong ni Arroyo.