Donasyon ni Ongpin na shares ng PhilWeb, tinanggihan ng PAGCOR

 

Tinanggihan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang donasyon ng negosyanteng si Roberto Ongpin ng kaniyang stake sa online gaming firm na PhilWeb Corp.

Kinumpirma mismo ni PAGCOR chair Andrea Domingo sa Philippine Daily Inquirer na hindi tinanggap ng kaniyang opisina ang alok ni Ongpin.

Paliwanag ni Domingo, ang isyu naman ay hindi tungkol sa pag-aari ni Ongpin sa Philweb, kundi ang mariing paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa online gambling.

Matatandaang nagdesisyon si Ongpin na i-donate na lamang sa PAGCOR ang 49 percent ng kaniyang stake sa PhilWeb, sa pag-asang masasalba nito ang kumpanya pati na ang libu-libong empleyado sa e-Games network sa buong bansa.

Hindi na rin kasi pinayagan ng PAGCOR na mag-renew o mag-extend ng lisensya ang kumpanya ni Ongpin na namamahala s operasyon ng e-Games.

Read more...