Payo ng isang lady solon: tutukan ang isyu at polisiya, iwasan ang personal na atake

Matapos ang pag-atake kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Leila De Lima, bumuhos ang simpatya sa senadora.

Sa kaniyang statement, sinabi ni Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao na suportado niya ang mga kababaihan na naninindigan para sa kapakanan ng bansa.

Payo ng kongresista, hindi dapat magpatinag sa mga insulto na ang tanging layon ay pahinain ang mga kababaihan.

“I am one with the strong women who are doing their very best to ensure that our society becomes more discerning and humane. Nawa’y hindi tayo magpatinag sa mga insultong naglalayon lamang na pahinain tayo.,” ayon sa pahayag.

Sa gitna ng kontrobersiya, sinabi ni Bag-ao na umaasa siyang ang mga isyu at polisiya ang magiging sentro ng usapan at maiiwasan ang name calling, at mga personal na pag-atake.

Sa huli, binanggit ni Bag-ao na sinusportahan niya si De Lima.

Read more...