Hinihinalang biktima ng salvage, natagpuan sa Norzagaray Bulacan

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isang bangkay ng hindi nakilalang lalaki ang natagpuan sa Angat Watershed, Sitio Suha, Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Barangay Captain Federico Cruz ng Barangay San Mateo, isang dumaraan sa lugar ang nagsabi sa kanila na may patay sa lugar pasado alas 4:00 ng madaling-araw ng Huwebes.

Nakasuot ng kulay pulang shorts ang biktima at gray na T-shirt at may tama ng bala sa kaliwang mata.

May iniwan din ma karatula ang mga suspek na “Pusher ako wag tuluran”.

Tinatayang nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas, payat ang pangangatawan at nasa 30 hanggang 35 anyos.

Nakarecover naman ang pulisya ng tatlong basyo ng bala para sa kalibre 9mm pistol.

Sa ngayon nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang mabatid kung sino ang suspek at para makilala ang biktima.

 

 

Read more...