Motorcycle rider, patay sa aksidente sa C5

CONTRIBUTED PHOTO for Radyo Inquirer by Aron Reyes
CONTRIBUTED PHOTO for Radyo Inquirer by Aron Reyes

Nasawi ang isang motorcycle rider, matapos maipit ng isang truck ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa ilalim ng Bagong Ilog flyover C5, kanto ng Pasig Boulevard.

Bumangga ang 20-footer na truck sa poste ng C5-Bagong Ilog flyover at naipit nito ang motorsiklo.

Dead on the spot ang hindi pa nakikilalang rider dahil ipit na ipit ang motorsiklo nito.

Nadamay rin sa aksdente ang dalawa pang tricycle.

CONTRIBUTED PHOTO for Radyo Inquirer by Aron Reyes

Ayon sa driver ng truck na si Henry Enero, nawalan umano ng preno ang kaniyang sasakyan na puno ng buhangin.

Sinabi pa ni Enero na pinilit naman niyang iwasan ang mga kapwa motorista at tinangkang sa mga plant box na lamang isalpok ang truck.

Gayunman, dahil puno ng buhangin ang truck, mabigat umano ito at mahirap kontrolin.

Maliban sa isang nasawi, nasugatan din ang driver ng isang tricycle na kinilalang si Jose Salvador.

 

 

 

Read more...