LP, sumaklolo kay De Lima; suporta at hindi pagkondena ang dapat ibigay sa senadora

Inquirer Photo
Inquirer Photo

Suporta at hindi pagkondena ang dapat na matanggap ni Senator Leila De Lima.

Ito ang nakasaad sa inilabas na statement ng Liberal Party, bilang pagsuporta sa senadora.

Sa pahayag sinabi pa ng LP na ang mga open debate ay dapat nagaganap na may kaakibat na due process sa batas pero kung nasa publiko aniya o sa mga insidente ng public disclosure ay dapat pairalin ang respeto at pagiging sibil.

Sinabi ng LP na ginagawa lamang ni De Lima ang kaniyang trabaho bilang senador ng bansa.

Sa halip na patutsadahan ito ng hindi magagandang pananalita, dapat umano itong respetuhin.

“Senator Leila De Lima is doing her job as a senator of the Republic. She deserves support, not condemnation; respect, and not gutter language; she and our people deserve the facts, not innuendo,” ayon sa pahayag ng LP.

Ayon pa sa LP, nakalulungkot ang mga salita at mga paratang na naninira sa pagkatao ni De Lima, hindi lamang sa personal niyang buhay kundi bilang isang lingkod bayan.

Kasabay nito ay nanawagan ang partido liberal kay Senate President Koko Pimentel III na panindigan ang independence ng Senado at suportahan ang mga miyembro nito sa pagganap sa tungkulin bilang mga mambabatas.

 

 

Read more...