3 patay, 40 sugatan sa car bomb sa isang police station sa Turkey

TurkeyTatlo ang nasawi at aabot sa 40 ang sugatan kabilang ang mga sibilyan sa pag-atake sa istasyon ng pulisya sa Turkey.

Naganap ang pagsabog sa Van Province sa Turkey.

Ayon sa mga testigo, matapos ang malakas na pagsabog, may nadinig pa silang putok ng baril.

Inaalam pa kung anong grupo ang nasa likod ng pag-atake.

Gayunman, kadalasang ang Kurdish militants ang naglulunsad ng mga pag-atake sa mga istasyon ng pulisya.

 

 

Read more...