Aabot sa 40 pamilya ang naapektuhan ng sunog na naganap sa Paco Maynila, Huwebes ng madaling araw.
Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na naganap sa 1920 Apitong Street, sa bahagi ng F. Muñoz.
Ayon kay Senior Inspector Crossib Cante, commander ng Bureau of Fire Station 3, sampung bahay ang natupok ng apoy.
Sa pagtaya ng BFP, aabot sa kalahating milyong piso ng halaga ng ari-arian ang natupok.
Nagsimula ang sunog alas 3:08 ng madalinga raw sa ikalawang palapag ng bahay nap ag-aari ng isang Bebot Perez.
Idineklara namang fire out na ang sunog alas 3:55 ng madaling araw.
Lumalabas sa imbeatigasyon nagsimula ang sunog dahil sa jumper ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES