PAF rescue team, bigong mapasok ang tunnel kung saan na-trap ang 4 na minero

 

Nabigo ang mga tauhan ng 505th Rescue Group ng Philippine Airforce na mapasok ang Sumag River sa Bgy. Umiray, Quezon kung nasaan ang tunnel na kinalalagyan ng apat na na-trap na minero.

Ayon kay 1Lt. Mark Delos Reyes, piloto ng Sokol chopper ng 505th rescue command ng Philippine Air Force mahirap pasukin ang lugar.

Sinabi ni Delos Reyes na masikip ang landing site kaya hindi kinakaya ng kanilang chopper na bumaba sa lugar at tanging civilian chopper na maliliit ang kaya makalapag dito.

Kitang kita naman sa eksklusibong kuha ng Radyo Inquirer mula sa himpapawid ang lugar kung saan na-trap ang apat na minero.

Nakaranas din ang team ng malakas na hangin sa itaas ng kabundukan ng Sierra Madre at halos 30 segundo ring hindi gumagalaw ang chopper habang patungo ng Villamor Airbase galing sa Umiray, Quezon.

Dapat sanay ihahatid ng chopper ng airforce ang tatlo pang rescuer mula sa Philex mining at magdadala ng suplay ng pagkain sa Sumag River.

Bukod dito, misyon ng military chopper na makuha sa lugar ang bangkay ng mga nasawing minero na sina Simeon Sig-od at David Guiagui Jr.

Read more...