Physical fitness program ng PNP, inilunsad; mga pulis sumabak sa fun run at Zumba

Twitter Photo | @ordncrpo
Twitter Photo | @ordncrpo

Hindi masyadong magiging mahigpit sa pagpapatupad ng 34-inches waistline sa kaniyang mga pulis si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, masyadong mahirap para sa maraming pulis na makuha ang 34-inches na waistline gaya ng naunang ipinatupad noon ni dating PNP Chief Panfilo Lacson.

Twitter Photo | @ordncrpo

Alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules nang ilunsad ng PNP ang kanilang comprehensive health and physical fitness program sa pamamagitan ng 3-kilometrong pagtakbo mula sa White Plains sa Katipunan Avenue hanggang sa Camp Crame, at pagsabak sa zumba dancing pagdating sa loob ng headquarters.

Photo from Ruel Perez

Ani Dela Rosa, sesentro ang kanilang fitness program sa pagtitiyak na magiging malusog ang pangangatawan ng bawat pulis lalo na ngayong may mahigpit silang laban kontra illegal drugs.

Samantala, iginiit nga ni Bato na hindi basta-basta ipipilit ang 34-inches na baywang kundi ibabase nila ang kalusugan ng isang pulis sa kanilang BMI o body mass index.

Ang body mass index ay indicator ng health and fitness na nakabase sa timbang ng pulis ayon sa kanyang edad at taas.

 

 

Read more...