Eric Cray, bigong maka-abante sa finals ng men’s 400m hurdles sa Rio Olympics

Inquirer PhotoBigo ang pambato ng Pilipinas na si Eric Cray na maka-abante sa finals ng men’s 400m hurdles sa Rio Olympics.

Pang-pito sa walong manlalaro si Cray na naglaban-laban sa semifinal at pumatak sa 49.37 seconds ang oras nito.

Dalawang pinakamabilis na runners sa walong naglaban-laban ang naka-abante sa finals.

Mas mahaba pa ang naitalang oras ni Cray kumpara sa personal best time niya na 48.98 seconds.

Dahil dito, nasa pang labing pito ang final rank ni Cray sa event.

Si Cray ay two-time Southeast Asian Games gold medalist.

 

 

Read more...