Burdeos, Quezon, niyanig ng lindol

Burdeos, QuezonNiyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Burdeos sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig ala 1:38 ng madaling araw ng Miyerkules sa 19 kilometers East ng Burdeos.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 20 kilometers.

Dahil sa nasabing lindol, naramdaman ang intensity 4 sa Burdeos, Quezon; intensity 3 sa Panukulan, Quezon; at intensity 2 sa General Nakar, Quezon.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock na maidudulot ang nasabing lindol.

 

Read more...