Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na lamang ang naranasan sa dalawang lalawigan sa nakalipas na isang oras.
Samantala, light to moderate na kung minsan ay may malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan at Quezon.
Nakalabas na rin ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na namataan kahapon ng PAGASA.
Sa ngayon tanging ang habagat ang umiiral na weather system sa bansa at naka-aapekto sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang mga ulan na dulot ng habagat ay maari pa ring magresulta sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa rehiyon Ilocos at sa mga lalawigan ng Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga.
Maulap na kalangitan naman na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog ang inaasahan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.