Duterte at NDFP, OK na uli

 

Malacañang photo

Sa kabila ng batuhan ng matatalim na salita, desidido pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

Pinulong kasi ni Duterte ang mga miyembro at kinatawan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace panel sa Malacañang noong Lunes ng gabi.

Dito tiniyak ng pangulo sa NDFP na makakalipad patungong Oslo, Norway ang mga pinalayang consultants nila na kasama sa formal peace talks sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga pumunta ay sina NDFP consultant at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, panel member Fidel Agcaoili at Atty. Edre Olalia.

Sa panig naman ng pamahalaan, naroon sina Executive Sec. Salvador Medialdea at Immigration Comissioner Jaime Morente.

Nagpakuha pa ng litrato ang mga miyembro ng NDFP kasama ang pangulo at ang government panel.

Samantala tiniyak naman ni peace process adviser Jesus Dureza na hindi niya hahayaang mahadlangan ng word war sa pagitan nina Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang pagsusulong ng kapayapaan.

Ani Dureza, bagaman nasasaktan rin ang pangulo sa masasakit na salita, handa itong magtiis sa ngalan ng kapayapaan sa bansa.

Read more...