NDFP consultant, nakalaya na

 

Inquirer file photo

Pinalaya na mula sa pagkaka-kulong ang isa pang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Ruben Saluta.

Ilang araw bago ang mga usaping pangkapayapaan na gaganapin sa Oslo, Norway sa susunod na linggo, nakalaya na mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Saluta.

Gayunman, hindi lamang si Saluta ang inaasahang lalaya ng gabi ng Martes, dahil pati sina Alan Jazmines, Tirso Alcantara, Ernesto Lorenzo at Renante Gamara ay nakatakda na rin sanang lumabas kahapon.

Ngunit naipagpaliban ito, maging ang pag-anunsyo sa media ng pagpapalaya sana sa kanilang lima dahil si Saluta pa lang naman ang nakalabas.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) si Saluta, na naaresto sa Caloocan City noong Marso ng nakaraang taon dahil sa kasong rebelyon, ay isang commander ng New People’s Army (NPA) sa Pasay City.

Read more...