NDF consultants dapat makadalo sa Oslo peace talks-Duterte

 

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyaking makabibiyahe ng Oslo, Norway ngayong weekend ang labingwalong consultants ng National Democratic Front (NDF).

Ito ay para makaupo ang NDF consultants sa peace talks na gaganapin sa Oslo ngayong August 20.

Nabatid na kasamang nakipagpulong kagabi kay Pangulong Duterte at GPH-NDF Peace panels sa malakanyang si Bureau Of Immigration commissioner Jaime Morante.

Kabilang sa mga magtutungo sa Oslo ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na una nang pinayagan ng korte na makapag-piyansa sa kasong murder.

Pinakilala na rin kahapon ang pinakabagong miyembro ng Government Peace Panel na si Atty. Antonio Arellano na retiradong State Prosecutor ng Region 11.

Read more...