3 patay sa pagsabog sa South Korean naval base

 

Inquirer.net/AP

Nasawi ang tatlong sundalo dahil sa isang aksidenteng pagsabog sa South Korean naval base, habang isa naman ang nasugatan ayon sa defense ministry ng South Korea.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga militar ang naganap na pagsabog habang kinukumpuni ang isang submarine sa isang base sa bayan ng Jinhae.

Bagaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, mahina naman ang posibilidad na ito ay isang pag-atake.

Naganap ang pagsabog nang buksan ng mga sundalo ang hatch ng isang submarine na naka-daong, at sa sobrang lakas nito, tumilapon ang isang sundalo papunta sa dagat na siyang ikinasawi nito.

Read more...