Tax collection ng pamahalaan, palpak ayon sa pangulo

 

Inquirer file photo

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte dahil bagamat isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na tax rate sa Southeast Asia, mahina naman ang tax collection effort nito.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung kaya nahuhuli pa rin ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ng pangulo, bagaman nabubuwisan ang mga ordinaryong manggagawa at korupsyon, nakalulusot naman sa buwis ang mga  tax evaders at mga smugglers.

Ayon sa pangulo, panahon na para tuldukan ang ganitong sistema.

Target ng pangulo na mag propose sa kongreso ng isang reform measure na magiging katanggap-tanggap sa lahat.

Target ng pangulo na umabot ang kabuuang kita ng pamahaalan sa 17 percent ng Gross Domestic Product o ang kabuuang halaga ng lahat ng serbisyo at produkto ng ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na dalawang taon.

Read more...