Hinihinalang pusher patay sa buy-bust sa Maynila

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang hinihinalang pusher  makaraang tangkain barilin ang isang pulis sa P. Guevara St., Blumentritt Maynila kagabi.

Kinilala ni Chief Insp. Marlon Mallorca ang nasawi na si Chuck Lester Cortez ,26,  residente ng Tambunting Blumentrit, Manila.

Lumalabas din sa imbestigasyon isang drug buy-bust operation ang kinasa laban sa suspek.

Pero nang makatunog na pulis ang transaksiyon,  bumunot umano ng kalibre .38 baril ang suspek.

Pero mabilis umanong naagaw ng pulis ang  hawak na baril  ni Cortez dahilan para paputukan siya ng mga otoridad

Maliban sa  kalibre .38 na baril nasamsam din mula sa suspek ang 4 sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Read more...