Budget para sa SONA ‘merienda’, nasa P2.5M

PLENARY HALL-HOUSE OF REPRESENTATIVES-SONA/JULY 21, 2015   HOUSE CLEANING: Preparations inside the Plenary Hall of the House of Representatives for the last State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III on July 27, 2015. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Aabot sa P2.5 milyon ang gagastusin para sa meryenda ng mga dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Marilyn Barua-Yap, Secretary General ng House of Representatives, P700 ang halaga ng pagkain at inumin na ihahanda sa mga dadalo sa SONA sa Lunes, July 27. Ang caterer na “Center Table” aniya ang napili para maghain ng pagkain sa mga miyembro ng diplomatic corps at iba pang opisyal.

“For the traditional cocktails for the diplomatic corps and other officials at the South Wing, we are expecting between 700 and 800 guests, probably 800. The budget is P700 per cover,” ayon kay Yap.

Ayon kay Yap, mahigit 2,700 na katao na ang napadalhan nila ng imbitasyon para sa SONA sa Lunes. Kadalasan ang una at huling SONA ng pangulo ng bansa ang may pinakamaraming naitatalang dumadalo.

Ibang caterer naman ang napili para sa traditional lunch ni House Speaker Sonny Belmonte at mga miyembro ng House of Representatives sa mismong araw ng SONA.

Ang budget na nagkakahalaga ng P2 million hanggang P2.5 million ay para sa catering at iba pang reception activities.

Samantala, para naman sa preparasyon sa ilalatag na seguridad, sinabi ni Yap na aabot sa 3,000 hanggang 5,000 security personnel ang itatalaga sa paligid ng Batasan complex para magbantay.

Sa loob naman ng complex, mayroon pang 1,500 hanggang 1,700 na guwardya kabilang ang mga miyembro ng Legislative Security Bureau./ Philippine Daily Inquirer, Dona Dominguez-Cargullo

Read more...