Pagtakbong pangulo ni Poe, tiyak na

grace-poe1
Inquirer file photo

Naniniwala ang mga kapwa senador ni Senator Grace Poe na desidido na syang sumabak sa Presidential elections.

Ayon kay Senator Serge Osmeña, sa tingin niya ay nakapagpasya na si Poe at tiyak na tatakbo itong presidente. “She is just dancing the fandango, she is just going through the motion, she has already made up her mind. She will run for President,” sinabi ni Osmeña.

Si Osmeña ay naging adviser ni Poe noong tumakbo siya bilang independent candidate sa pagka-senador sa ilalim ng Team PNoy noong 2013.

Para naman kay Senator Tito Sotto, walang duda na sasabak si Poe sa presidential elections at si Senator Chiz Escudero ang magiging running mate niya.

Sinabi pa ni Sotto na duda siyang papayag si Poe na tumakbo sa pagka-bise presidente dahil ayaw niyang kalabanin ang kaibigang si Escudero. “I doubt it because I know for a fact that Senator Escudero is running as an independent vice-presidential candidate. I don’t think she would not want to support him. I think the commitment is to support him,” paliwanag ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, posible ring suportahan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang Poe-Escudero team sa 2016 elections.

Hinihintay na lamang aniya ng NPC ang pormal na anunsyo at desisyon ni Poe. “Many of us will be supporting her. I, for one, (will support Poe),” ayon kay Sotto./ Philippine Daily Inquirer, Dona Dominguez-Cargullo

Read more...