Residential-commercial area sa JP Rizal, Makati, tinupok ng apoy

Inquirer Photo / RJ Abaño
Inquirer Photo / RJ Abaño

Nasunog ang dalawang palapag na residential-commercial building sa kanto ng Honradez Street at J.P. Rizal Avenue, Barangay Olympia, Makati City.

Nagsimula ang sunog alas 9:25 ng umaga at itinaas sa ikatlong alarma alas 9:27 ng umaga.

Tupok na tupok ang ikalawang palapag ng establisyimento habang nadamay din ang unang palapag na pinauupahan bilang tindahan.

Alas 9:53 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog at alas 10:51 ng umaga nang tuluyan itong maideklarang fire out.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian.

 

 

 

Read more...