Mahigit 5,000 pang pamilya, nasa mga evacuation centers dahil sa epekto ng habagat

evacuation-0815Mahigit limang libong pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation centers bunsod ng malakas na pag-ulan na naranasan mula noong Biyernes na nagresulta ng pagbaha sa maraming lugar.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 5,037 na pamilya pa o katumbas ng 24,024 na indibidwal ang nasa evacuation centers.

Sa ngayon 63 pang evacuation centers ang bukas sa NCR, Regions 1, 3 at 4-A.

Mayroon namang 9,969 na pamilya o 45,805 na indibidwal ang pansamantalang nakitira sa bahay ng kanilang mga kaanak o kaibigan.

Sa kabuuan, umabot sa mahigit 27,000 pamilya ang naapektuhan ng pag-ulang dulot ng Habagat o katumbas ng halos 130,000 na indibidwal.

 

 

Read more...