WATCH: Mga estudyante sa QC, nakapasok na nang mag-anunsyo ng suspensyon ng klase

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dahil pasado alas 6:00 na ng umaga nang mag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa Quezon City, nakapasok na ang mga pang-umagang estudyante.

Alas 6:02 ng umaga nang mag-post sa kaniyang twitter account si Quezon City Mayor Herbert Bautista para suspindihin ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa lungsod.

Sa San Francisco High School sa Quezon City, nakapasok na ng paaralan ang mga estudyante nang ideklara ang suspensyon.

Pawang nakapayong at basa ang na ang mga mag-aaral dahil sa malakas ang buhos ng ulan noong oras nang ng kanilang pagpasok.

Ang ilang magulang napasugod din sa paaralan para kumpirmahin ang suspensyn at sunduin ang mga anak.

 

Read more...