Sinait, Ilocos Sur, niyanig ng lindol

Sinait IlocosNiyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Sinait, Ilocos Sur, alas 4:33 ng umaga ng Martes.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 9 kilometers North ng Sinait.

May lalim ang lindol na 64 kilometers at tectonic ng origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity 2 sa Bangued, Abra at Intensity 1 sa bayan ng Sinait.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks na maidudulot ang lindol.

 

Read more...