Heavy Rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Zambales, Bataan at Pampanga

Yellow Rainfall Warning(update) Nakataas ngayon ang yellow rainfall warning sa Zambales, Bataan at Pampanga dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat.

Sa abiso ng PAGASA, inalerto nito ang mga residente sa tatlong lalawigan hinggil sa posibleng pagbaha.

Mahina hanggang sa katamtaman naman na kung minsan ay may malakas na pag-ulan ang makaka-apekto sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Tarlac, Nueva Ecija, Laguna, Rizal at Quezon.

Payo ng PAGASA sa publiko, antabayanan ang susunod na abiso ng weather bureau mamayang alas 11:00 ng umaga.

 

Read more...