Mla City Hall at DMCI, inakusahan ng “bad faith”

Inquirer file photo

Hindi lamang ang DMCI Homes ang umakto “in bad faith” kaugnay ng pagtatayo ng Torre De Manila, kundi maging ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ito ang ipinunto ni Atty. William Jasarino, abogado ng Knights of Rizal sa pagtatanong sa kanya ni Justice Perlas Bernabe.

Ayon kay Jasarino, umakto rin “in bad faith” City of Manila dahil pinagbigyan nito ang inihaing exemption ng DMCI sa Manila Zoning Ordinance.

Sa ilalim kasi ng Manila Zoning Ordinance, dahil ang lugar kung saan naruon ang Torre De Manila ay nasa kategoryang “university cluster” dapat ay hanggang pitong palapag lamang na gusali ang itatayo ng DMCI kung pagbabatayan ang computation sa floor area ratio.

Ang exemption ng DMCI sa Manila Zoning Ordinance para makapagpatayo ng 49-palapag na gusali ay naaprubahan sa ilalim na ng termino ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Pero pagbibigay diin ni Jasarino, nakagawa rin ng paglabag sa sariling ordinansa si dating Manila Mayor Alfredo Lim nang aprubahan nito ang building permit ng DMCI kahit hindi pa ito nakakakuha ng exemption mula sa Manila City Council at mula sa Manila Zoning Board of Adjustments and Appeals.

Sa pagtatanong naman ni Justice Teresita De Castro, sinabi ni Jasarino na isa sa naging batayan ng paggagawad ng exemption sa DMCI ay ang opinion ng National Historical Commission of the Philippines na ang Torre De Manila ay nasa labas naman ng cultural zone kaya wala silang nakikitang negatibong epekto sa Rizal Monument./ Ricky Brozas

 

 

Read more...