20 patay, nadagdag sa anti-drug campaign ng PNP sa loob ng 24 oras

 

File photo

Mula sa 592 Linggo ng umaga, pumalo na sa 612 ang bilang ng napapatay sa ilalim ng ‘Project Double Barrel’ ng PNP.

Sa huling tala na inilabas ng PNP  umaabot na ng 612 ang napatay mula July 1 hanggang ka Lunes ng alas-6:00 ng umaga, Aug 15 na mga drug suspects.

Samantala, pumalo naman sa 8,623 na mga drug suspects ang naaresto.

Pumalo naman sa 576,176 ang mga sumuko,  35,929 ay pusher habang 540,247 ay user.

Sa ilalim ng Project Double Barrel ng PNP, umabot na sa 324,222 ang mga kabahayan ng mga drug suspects ang kinatok at binisita ng PNP.

Read more...