Si Vi o si Leni for VP?

leni viIsa kina Vilma Santos o Leni Robredo ang maaring pagpilian ng Liberal Party para maka-tandem ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Senator Sergio Osmeña, ang dalawang babae ang maaring pagpilian ni Pangulong Benigno Aquino III na Vice Presidential candidate ng Liberal Party.

Hindi maikakaila ayon kay Osmeña na malakas ang hatak ni Robredo dahil sa pagiging intelihinte at abogado nito bukod pa sa pagiging maybahay ng namayapang si Interior Secretary Jessie Robredo.

Kung magkakaroon ng survey aniya ngayon, maaring makakuha lamang si Robredo ng limang porsyento pero madali itong mabuild-up dahil sa malakas na karisma nito sa taong bayan.

Una rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na walang balak ang kanyang asawang si Vilma na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 bagaman may mga grupo ng nakikita si Vilma bilang mainam na kandidato sa pagka-pangalawang pangulo./Chona Yu

 

 

 

 

 

Read more...