Umano’y pusher na ‘sakit ng ulo’ ng barangay, napatay sa Meycauayan, Bulacan

 

File photo

Kinatuwa ng mga residente ng Barangay Bancal sa Meycauan, Bulacan ang pagkakasawi sa drug operation ang notorious holdaper at pusher sa kanilang lugar.

Sa kwento ng hepe ng Barangay na si Mildred Abacan, sakit ng ulo sa kanilang baranggay ang napatay na  si John Paul Dean alyas ‘Batcher’.

Sa katunayan, madami na umanong na perwisyo o reklamo ang napatay na suspek sa pamamagitan ng panghoholdap at pagtutulak ng illegal na droga.

Ayon kay PO3 Jonathan Mañakap, isa sa mga operatiba ang nagpanggap na bibili ng limandaang pisong halaga ng shabu mula nanlaban sa mga pulis si alyas Batcher, dahil natunugan na pulis ang ka-transakyon.

Agad na nagpaputok ang suspek at tumakbo sa loob ng bahay.

Sinundan ito ng operatiba at sa kwarto ito inabutan at nabaril.

Narekober ang cal. .38 na baril at walong sachet ng pinaghihinalaang shabu mula sa suspek.

Read more...