Antique at Iloilo niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

antique-mapNiyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Valderama, Antique kaninang 7:32 ng gabi.

Ayon sa Philippine Institutre of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ang lindol ay naramdaman sa Valderama, Tibiao, San Jose de Buenavista & San Remegio, Antique sa lakas na intensity 5.

Intensity 4 naman sa Iloilo City, Anini-y, Sibalom at Hamtic, Antique.

Intensity 3 sa Malay, Aklan; Silay City, Negros Occidental; Dao, Capiz at  Pandan, Antique.

Intensity 2 sa Bacolod City; Hinigaran, La Carlota City, Sipalay City & Kabangkalan City, Neg. Occidental;

Tayasan at Guihulngan, Negros Oriental; pati sa Dingle, Iloilo.

Walang inaasahang pinsala ang lindol pero nagbabala ang PHIVOLCS sa mga posibleng aftershocks.

Read more...