Cha Cha walang pondo sa 2017 proposed national budget

congress1
Inquirer file photo

Walang inilaang pondo ang Duterte administration para sa itinutulak na Charter Change o Cha-Cha, sa ilalim na P3.35 Trillion proposed National Budget para sa taong 2017.

Sa pagharap sa Kamara, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte ay gawin ang Cha-Cha sa paraang Constituent Assembly o Con-Ass.

At dahil wala masyadong inaasahang gastos sa Con-Ass, wala na ring ilalaang pondo dito sa ilalim mg 2017 budget.

Ang kasalukuyang mga mambabatas kasi ang bubuo sa Con-Ass para atupagin ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sakali naman na may biglaan at kailangang gastos para sa Con-Ass, sinabi ni Diokno na kukunin ito sa contigency funds ng pamahalaan.

Nauna nang pinalitan ni Pangulong Duterte ang pagsusulong nito sa Constitutional Convention o Con-Con at mas pinili na ang Con-Ass para sa pagbabago ng porma ng gobyerno tungo sa Federalism.

Sa Con-Con, aabot sa P7 Billion ang gastos sa paghahalal pa lamang ng mga delegado na taliwas sa Con-Ass na mas mura raw na paraan para sa Cha-Cha.

Read more...