Mahigit 70 tauhan ng QCPD, sinibak

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sinibak sa pwesto ang 72 pulis na nakatalaga sa iba’t ibang istasyon ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD Director, PSSupt. Guillermo Eleazar, ang pagsibak sa mga pulis ay bahagi ng isinasagawang internal cleansing sa QCPD.

Sa mga sinibak na pulis, 69 ay sangkot aniya sa ilegal na droga habang ang tatlo ay sangkot sa iba pang uri ng krimen kabilang na ang robbery extortion.

Isang major at isang kapitan aniya ang may pinakamataas na ranggo sa mga nasibak sa tungkulin habang karmaihan at pawang mga bagitong pulis na may ranggong PO1 at PO2.

Bagaman sangkot sa ilegal na droga ang karamihan sa sinibak, ay hindi naman nagpositibo sa paggamit ng drugs.

July 27 nang sibakin ang 88 tauhan ng QCPD maliban pa sa 35 na nauna nang ipinadala sa PNP-ARMM.

Simula bukas, mananatili na sa District Holding and Support Unit ang mga sinibak na pulis.

 

:

Read more...