88 na miyembro ng MILF, BIFF at private armed groups, pinakakasuhan sa Mamasapano encounter

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Iniutos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 88 katao kaugnay sa naganap na Mamasapano encounter na ikinasawi 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa pinasasampahan ng kasong direct assault with murder ang 88 na pawang miymebro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at mga private armed groups na nakabase sa Maguindanao.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, isinasagawa ng mga tauhan ng SAF ang kanilang tungkulin sa isang operasyon para maaresto si Zulkifli bin Hir alyas Marwan nang sila ay mapatay.

Ang paghahain ng kasong direct assault ay para sa pagkamatay ng 35 miymebro ng SAF.

Paliwanag ng DOJ, wa;a pa kasing mga testigo na makapagtuturo sa mga suspek sa pagkamatay ng siyam na iba pang SAF troopers na nasawi sa Brgy. Pidsandawan, Maguindanao.

Karamihan sa mga kinasuhan ay pawang mga miyembro ng 118th based command ng MILF.

 

Read more...