Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Senator Sherwin Gatchalian, Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at 24 na iba dahil sa mga nakabinbing mosyon.
Ito ay kaugnay pa rin ng kinakaharap nilang kasong graft at malversation na nag-ugat sa umanoy maanomalyang P780 million stock purchase at subscription ng local water utility administration o LWUA sa express saving bank sa panahon ng pamumuno ni Pichay bilang administrator noong 2009.
Ang express savings bank ay pag-aari ng pamilya Gatchalian at ng mga kumpanyang Forum Pacific at at Wellex Group Incorporated kung saan isa sa executives si Gatchalian.
Kabilang din sa kinasuhan ang mga kapatid ng senador na sina Kenneth at Wesley at mga magulang na sina William at Dee Hua.
Muling itinakda ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Gatchalian, Pichay at iba pa sa October 5.