Yellow rainfall warning pa rin sa Bataan at Zambales; thunderstorm umiiral sa NCR at mga kalapit na lalawigan

Yellow Rainfall WarningNakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa lalawigan ng Zambales at Bataan bunsod ng pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa 10:00AM advisory ng PAGASA, inaabisuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Samantala, thunderstorm na lamang ang nakaaapekto sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau mamayang ala 1:00 ng hapon.

Sa 11AM weather advisory ng PAGASA, apektado pa rin ng Southwest Monsoon ang buong Luzon.

Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region at sa mga lalawigan  ng Benguet, Zambales at Bataan.

Habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Central Luzon, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon.

Read more...