Ayon sa PAGASA, posible ang pagbaha sa mga mababang lugar sa dalawang nabanggit na lalawigan.
Habang mahina hanggang sa katamtaman namang pag-ulan ang naka-aapekto sa Metro Manila, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon, Pampanga, Tarlac at Bulacan.
Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na antabayan ang susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau, mamayang alas7:00 ng umaga.
Sa weather forecast ng PAGASA, apektado pa rin ng southwest monsoon ang buong Luzon at Western Visayas.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan na dulot ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang Metro Manila, Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR) at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Mindoro.