Habagat, posibleng tumagal hanggang Miyerkules

 

Richard Reyes/Inquirer

Magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod na araw ang mga pag-ulang dala ng hanging habagat na lalo pang pinalalakas ng low pressure area sa lalawigan ng Batanes.

Dahil dito, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posible pa rin ang flash floods at landslides sa mga lugar na nakakaranas ng malalakas na ulan.

Sa Miyerkules na inaasahang huhupa ang habagat, ngunit inaasahan namang magdadala pa rin ito ng katamtaman hanggang malalakas na ulan hanggang Biyernes sa Metro Manila at sa kanluran at timog Luzon.

Dahil sa malakas at halos walang patid na mga pag-ulan na naranasan nitong mga nagdaang araw, binaha ang maraming lugar sa Metro Manila at mga probinsya.

Hindi naman bababa sa limang katao ang naitalang nasawi dahil sa habagat, habang mahigit 20,000 katao naman ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa baha na dulot nito.

Read more...