Buhawi, nanalasa sa Maynila; 100 struktura napinsala

Photo grab mula kay Karen Madrigal
Photo grab mula kay Karen Madrigal

Namuo ang isang buhawi o tornado sa bahagi ng Port area sa Maynila dakong alas-4:30 ng hapon.

Dahil sa lakas ng hangin na idinulot ng buhawi naputol ang serbisyo ng kuryente sa naturang lugar.

Ilang mga netizens ang nakakuha ng video ng pamumuo ng naturang buhawi hanggang sa lumapag ito sa lupa.

Photo c/o Josue Limeta

Sa video na nakunan ng ilang netizens, makikita ang una ay makulimlim na kalangitan sa bahagi ng Port Area, Maynila na biglang kumilos ng mabilis at umiikot-ikot hanggang sa Sampaloc, Maynila.

Sa isang iglap , biglang lumakas ang hangin na may dalang ulan na at tuluyang nagpa-ikut-ikot sa lugar.

Photo c/o Josue Limeta

Ilang mga tahanan at establisimiyento, ang nagtamo ng pinsala ang establisimiyento at tahanan sa lugar ng Sampaloc.

Ayon kay Manila CDRRMO Chief Johnny Yu, isang residente ang tinamaan ng yero sa Baseco,  Maynila.

Nasa 100 namang istruktura ang nagtamo ng pinsala sa pananalasa ng buhawi.

 

Read more...