Ito’y dahil sa pagtaas ng ‘sediment content levels’ ng ‘raw’ na tubig mula sa Angat Dam, bunga ng malakas na ulan dulot ng Habagat.
Sa advisory ng Maynilad, binawasan ang produksyon ng tubig partikular sa La Mesa treatment plants 1 at 2 mula pa kahapon ng Sabado dahil sa mataas na turbidity level ng raw water.
Ang normal turbidity sa Angat Dam ay 300 nephelometric units (NTU), pero mula kahapon ay tumaas ito sa 1,600 NTU kaya napilitan ang Maynilad na magbwas ng output sa mga nabanggit na La Mesa treatment plants upang maalis ang sediments.
Bunsod nito, sinabi ng Maynilad na 850,000 accounts o 66% ng West Zone, lalo na sa matataas na lugar, ay makararanas ng low pressure hanggang sa walan tubig o kaya’y discoloration sa suplay.
Nagsasagawa na ang water company ng monitoring sa kalidad ng tubig sa Angat Dam at nagsasagawa ng system adjustments upang maibalik sa normal ang water supply sa lalong madaling panahon.