18 flights ng Cebu Pac, kanselado dahil sa masamang panahon

cebu-pacificLabing walong domestic flights ng Cebu Pacific ang nakansela ngayong araw dahil sa masamang panahon, dulot pa rin ng Habagat.

Sa advisory ng Cebu Pac, ang cancelled flights ay ang mga sumusunod:

– DG6223/6224 (Manila-Caticlan-Manila)
– 5J321/322 (Manila-Legaspi-Manila)
– 5J397/398 (Manila-Cagayan de Oro)
– 5J504/505 (Manila-Roxas-Manila)
– 5J989/990 (Manila-General Santos-Manila)
– 5J629/630 (Manila-Dumaguete-Manila)
– 5J341/342 (Manila-Kalibo-Manila)
– 5J455/456 (Manila-Iloilo-Manila)

Sinabi ng Cebu Pac na may mga pasahero na silang na-accomodate para sa rebooking refund.

Ang iba pang serbisyo ng airline company ay nasa normal na operasyon naman, subalit maaaring may delay pa rin dahil sa masamang panahon.

 

Read more...