Isang Cebu Pac flight, na-divert sa India dahil sa nanganak na pasahero

cebu-pacificIsang eroplano ng Cebu Pacific na patungo sa Dubai ang na-divert sa India ngayong araw ng Linggo.

Ito’ dahil may medical emergency ang isa sa mga pasahero, na hindi pa pinangalanan.

Nabatid na ‘on labor’ ang naturang pasahero.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Manila International Airport Authority o MIAA, ang Cebu Pac flight ay 5J 015 o Dubai-Manila at may expected time of arrival sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA na 11:55AM.

Sa kabila nito, wala pang inilalabas na bagong detalye kung anong oras na makakarating ng Pilipinas ang nabanggit na flight.

Tiniyak naman ng Cebu Pac na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad sa India upang masiguro na mabibigyan ng sapat na medical assistance ang pasahero.

Read more...