La Mesa dam, nananatili sa Red Alert

lamesa 2Nananatiling nasa Red Alert ang La Mesa Dam sa Quezon City, ngayong Linggo ng umaga.

As of 6:00AM, ang water level sa naturang dam ay nasa 80.05 meters o o labing apat na centimeters na lamang bago tumaas sa overflow level na 80.15 meters.

Kahapon (araw ng Sabado), inirekumenda na ang paglikas ng mga residente malapit sa Tullahan River makaraang umakyat sa 79.62 meters ang water level ng dam.

Ang pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay bunsod na rin ng ilang araw nang pag-ulan dahil sa Habagat.

Read more...